tag:blogger.com,1999:blog-10826437746237739922024-02-19T15:00:25.756+08:00ekskomunikadodahil bawat salita mo ay maaaring gamitin laban sa iyo Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.comBlogger66125tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-87552563857781707552016-08-27T08:15:00.002+08:002016-08-27T08:21:47.354+08:00Para Sa'yoGusto kong gumawa ng tula

Hindi para ilathala

Kung paano tayo'y nagkakilala

At bumuo ng mga alaala.

Gusto kong gumawa ng tula

Hindi para ipakita

Na ako ay masaya

Tuwing ikaw ay kasama.

Gusto kong gumawa ng tula

Hindi para ipadama

Na ako'y nahuhulog na

At lumalampas na sa itinakda.

Gusto kong gumawa ng tula

Para bigkasin sa bawat salita

Na ang nararamdaman ko sa

Tuwing ika'y kausap ay saya.

Gusto kong gumawa ng tula

Hindi para magpakita

Ng gilas, at iyabang na

Marunong ako, sabi ko nga.

Gusto ko gumawa ng tula

Para sabihin sa'yo na

Kung anuman ang meron tayo sa

Ngayon, ay hindi na mawawala

Dahil dito sa tula

Na ito ko isusulat na

Ang mga ginawa nating alaala

Ay hindi na mabubura.

Naisulat ko na

Nasabi ko na

Maniwala ka na

Na gusto kong gumawa ng tula

Dahil gusto kita.

Gusto kong gumawa ng tula

Dahil gusto kita

Ngunit ano namang magagawa?

Wala naman, wala.Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-59093175284553186652014-05-20T00:11:00.000+08:002014-05-20T00:11:14.710+08:00Usapang ExNakaka-"move on" ka ba talaga sa isang taong dati mong minahal?

Paano mo masasabi na hindi mo na siya mahal?

Dahil ba hindi mo na siya naaalala sa bawat paggising mo sa umaga?

Dahil ba hindi mo na hinihintay ang mga text niya tuwing kakain ka na?

Dahil ba hindi mo na siya nakikita sa mga panaginip mo?

Dahil ba hindi mo na nararamdaman ang kilig, di tulad noon?

Paano mo masasabi na wala na ang dating pagsinta?

Dahil ba may iba ka nang mahal ngayon?

Dahil ba may iba na siyang mahal ngayon?

Dahil ba hindi na kayo nag-uusap, o nagsasabihan ng "Mahal kita."

Dahil ba hindi mo na nararamdaman na kailangan mo siya, di tulad noon?

Paano mo masasabi na matagumpay ka sa paglimot sa kanya?

Dahil ba hindi mo na siya naiisip o inaalala kung nakauwi na ba siya?

Dahil ba wala ka nang pakialam kung sinong kasama niya?

Dahil ba binura mo na ang cellphone number niya?

Dahil ba may iba ka nang mahal ngayon?

Para sa akin, walang sinuman ang nakaka-move on ng legit.

Kahit papaano, may onting kurot tuwing naaalala mo ang nakaraan

Kahit papaano, may kaunting kilig pag naaalala mo ang mga pinagsamahan

Kahit papaano, may kakarampot pang pagsisisi o pag-asa

Kahit papaano, may natitira pang pag-ibig para sa kanya sa puso mo.

Para sa akin, hindi mo siya kailanman makakalimutan

Maliban nalang kung magka-amnesia ka.

Dahil hindi mo gugustuhing makalimutan ang isang pagkakataon sa buhay mo

Na nagmahal ka lang ng lubos; na nagmahalan lang kayo.

Kahit ano pa mang naging dahilan ng paghihiwalay ninyo, kahit papaano, naging isa kayo.

Para sa akin, ang pag-mo-move on ay hindi madaling gawin

Kailangan mong mahanap sa puso mo na napatawad niyo na ang isa't isa

Kailangan mong matanggap na masaya na kayo, pero di niyo na kailangang maging kayo.

Para sa akin, ang pag-mo-move on ay hindi madali, pero hindi rin mahirap gawin

Kailangan niyo lang respetuhin na sa buhay na ito,

Nagampanan mo na ang parte mo.

Wag mo na siyang gambalain, wag mo na siyang kaibiganin

Wag mo na siyang kausapin, wag mo na siyang kamustahin

Imbis na buklatin mong muli ang inyong nakaraan

Ilaan mo nalang ang oras mo sa iyong kasalukuyan.

Tandaan: Sa lahat ng iyong gagawin, pipili ka lamang ng isa sa dalawa. Nawa'y piliin mo ang karapat-dapat palagi.

Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-51908222236050225972014-05-16T01:19:00.000+08:002014-05-16T01:22:15.679+08:00PitakaWala nang mas sasakit pa

Sa pakiramdam na iwanan ka

Habang hindi ako nakatingin

Hindi ko namalayang wala ka na sa akin.

Kagabi lamang tayo'y magkasama pa

Ngunit pagkagising ko kaninang umaga

Hindi ko inakalang yun na pala ang huling gabi

Na ikaw ay nasa aking tabi.

Noong una'y hindi pa ako tinatablan

Ng lungkot dahil ako'y tinalikdan

Umasa pa ako na ika'y madaratnan muli

Sa bahay- hinihintay ang aking paguwi.

Ngunit tila ako'y masyadong nag-akala

At umasang hindi ka mawawala

Dahil akin ka lamang, at ako'y sa iyo

Ngayo'y tanong sa sarili, "bakit mo ako iniwang ganito?"

Pinipilit kong alalahanin kung saan ako nagkulang

O kung kailan kita nabigyan ng dahilan

Upang lisanin ako at hindi na balikan pa

Dahil hindi matanggal sa akin ang pagkabalisa.

Oo, inaamin ko, marahil nagkulang ako

Pero sana bigyan mo ko ng pagkakataong magbago

Bumalik ka na sa akin, o wallet ko

Araw-araw akong maghihintay sayo.

At sa iyong pagbalik, iisa lang ang pangako ko

Hinding-hindi na ako papayag na tayo'y magkalayo.

Patawarin mo ako kung ako'y naging abala

Sa mga bagay sa mundo na wala namang halaga

Hindi ko tuloy namalayan ang iyong pag-alpas

Ngayon hindi ko na alam kung paano haharapin ang bukas.

Bumalik ka na,

Aking pitaka.

Parang awa mo na.

Hindi pa ako

Handang magpaalam sayo.

Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-11300293147160176722013-11-01T02:33:00.000+08:002013-11-01T02:33:27.776+08:00Ang Buwang NagdaanOktubre

Kay bilis mong dumating

Kay bilis mo ring nawala.

Hindi kita malilimutan.

Kung paanong sa maikling panahon

Binago mo ang buhay ko.

Salamat sa mga pagbabago.

Salamat sa iyo.

Hanggang sa muli.

Oktubre,

Mamimiss kita.

Ngunit sa ngayon

Kailangan kong harapin

At tanggapin

Na isa ka na lamang--

Isa ka na lamang

Buwan na dumaan.Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-35136848912961456212013-07-08T18:09:00.003+08:002013-07-08T18:12:47.326+08:00Isang Minutong TulaSa mga panahong wala kang maisulat

Hindi dahil walang inspirasyon

Hindi dahil walang oras

Ngunit dahil kailanman

Hindi sasapat ang mga salita

Upang maipabatid ang nais sabihin

Hindi masabi sa isang pangungusap

O kahit isang talata

Kung ano ang tunay na nadarama

Kaya dinadaan nalang sa tula

Upang kahit papaano

Walang balakid, walang mali

Hindi kailangang lagyan ng kuwit

Ng tuldok

Ng kaakit-akit na panimula

O ng pamatay na pamagat

Dahil ang tula

Walang limitasyon

Walang hangganan

Tulad ng pagibig

Hindi kailangang lagyan

Ng katapusanAnonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-17055182698114025222013-06-19T18:52:00.000+08:002013-06-19T18:52:16.456+08:00Ulan

Madilim

Malamig

Nag-iisa

Kay sarap

Yakapin

At haplusin

Ang ilalim ng

Unan.

Makulimlim

Malalim

Na ang gabi

Kay sarap

Humiga

At masdan

Ang bawat patak ng

Ulan.

Kahit anung lakas mo

Sa lupa pa rin ang iyong bagsak.

Kahit anung tatag mo

Mauubos rin ang iyong lakas.

Kahit ano pang idulot mo

Huhupa rin ang baha.

Lilitaw din ang buwan,

Sisilip muli ang mga tala, at

Bukas lalabas rin ang araw.

Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-77464322746733741682013-05-15T18:17:00.000+08:002013-05-15T20:37:34.157+08:00Bakit Hindi Ako BumotoIsa ako sa ilang milyong Pilipinong hindi bumoto noong ika-13 ng Mayo.

Sabi nila, dahil hindi ako bumoto, wala akong karapatang magreklamo.

Bakit nga ba hindi ako bumoto? Pinili ko ba ito o tawag ng trabaho?

Nasa tulang ito ang mga kasagutan ko.

Isa akong manunulat ng balita sa telebisyon. Masasabi kong may alam ako

Sa galaw ng mga kandidato mapa-lokal o sa Senado.

Marami sa kanila ang nakita ko habang sila ay iniinterbyu

Ng aming mga anchors sa aming istudyo.

Siyempre, hindi ko nakita ang isang kandidato na umiiwas sa talakayang pampubliko.

Hindi dahil maitim o madilim siya; hindi ako nagbibiro gaya ng iniisip niyo.

Napansin ko ang isang kandidatong nalilink sa magandang aktres/modelo

Tunay ngang tila artista na siya kung umasta; natabunan na yata ng keso ang dating iniidolo ko.

Hindi ko naman malilimutan ang isang kandidatong walang partido

Lumikha siya ng ugong sa Twitter kung saan lumabas ang kanyang pagka-Homo

Phobic; matapos siyang makapanayam sa aming show,

Isa-isa niya kaming inabutan ng kanyang bookmark na tila nagsasabing, "Iboto mo ako."

Marami pa akong nakita, narinig, at napanood habang ako'y nagtatrabaho

Nakakasawa na magsulat tungkol ng mga patayan dahil may mga taong gahaman sa pwesto

Nakakauta na magbasa ng balita ng mga kandidatong naninira ng ibang tao

Tipong ilalabas pa ang kalunos-lunos na litrato ng isang babaeng nakalabas ang suso.

Kung nabubuwisit kayong mapanood ang mga balita pagkagaling niyo sa trabaho,

Paano pa kami? Eh kami ang unang nakakaalam ng mga baho ng kandidato.

Habang papalapit tuloy ang araw ng halalan sa taong ito,

Unti-unting pumapalaot sa akin, na hindi ako boboto.

Karuwagan o katamaran ba ang dahilan, ang husga ay nasa inyo

Hindi ako bumoto, hindi dahil may trabaho ako.

Hindi ako bumoto, kahit ako ay rehistrado,

Hindi ako bumoto, dahil kahit maliit ang mga mata ko, mulat ako.

Mulat ako na halos lahat ng kandidato ay namimili ng boto,

Mulat ako na maraming mga Pilipinong pumapatos dito.

Naisip ko, para saan pa ang aking isang boto,

Kung alam ko naman kung saan ito patutungo.

Kung bumoto man ako, pipiliin ko sana si CasiƱo,

Ihahalal ko rin si Gordon, ang Presidenteng noo'y ibinoto ko

Hindi ko ihahalal si Nancy Binay, hindi rin si Grace Poe.

Nawala na rin ang tiwala ko kay Chiz Escudero.

Marahil iboto ko rin ang mga hindi kilalang independent na kandidato

Dahil gusto kong tumulong sugpuin ang mga dinastiyang matagal nang itinayo,

Ngunit base sa istoryang kanina lamang ay isinulat ko,

Niluklok niyo pala ang mga kandidatong hindi ko gusto.

Niluklok niyo ang mga taong hindi nararapat maupo sa pwesto.

Ipinagpatuloy pa ninyo ang mga dinastiyang kinamumuhian na ng ilang mga Pilipino.

Kung bumoto man ako, mananalo ba ang mga manok ko?

Nasa listahan nga sila, pero bakit sila ay nasa bandang dulo?

Kayong mga nagpunta sa presinto para humalal, ano ang ipinagmamalaki niyo?

Na ginampanan niyo ang inyong tungkulin at karapatang bumoto?

Sa nakikita ko ngayon, lahat ng tao ay nagrereklamo,

Nagmamalinis, nagtuturuan, pero nilitratuhan naman at ipinagmayabang ang lilang tinta sa kanilang kuko.

Kayo ang nagluklok sa kanila, kayo ang huwag magreklamo.

Nagpadala kayo sa mga patalastas, sa mga jingle, sa itsura, sa pangako.

Pumunta lang ata kayo sa presinto para magpalitrato at makisali sa uso.

Oo nga, hindi nga ako bumoto, ngunit pinag-isipan ko ang desisyon kong ito.

*Hango sa totoong buhay. Hindi bumoto ang awtor sa nakaraang eleksyon noong May 13, 2013.Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-43936431463804694532013-01-16T13:30:00.000+08:002013-01-16T13:30:07.658+08:00LuhaNais ko mang maibsan kahit kaunti ang iyong paghihirap

Ang dahilan sa likod ng iyong pagod at luha

Mas nanaisin ko na lamang magpakatatag

At maghanda para sa mas mapait na hinaharap.

Patawarin mo ako kung ako'y tila nagdaramot,

Ngunit ang totoo'y pinipigilan ko lang ang sarili kong

Magbigay ng labis sa aking makakaya. Sapagkat

Alam kong darating ang araw na ako rin ang sa huli'y luluha.

Wala akong ginusto kundi ang maiahon tayo

Sa lusak na tila sumpang ayaw mawala

Ngunit kung kukunsintihin ko ang iyong mga layaw

Malamang sa lusak rin tayo pulutin balang-araw.

Sana'y maintindihan mo at madama mo

Na ang tanging hangad ko lamang ay malampasan natin ito.

Naniniwala ako na darating rin ang araw

Na hindi na kailangang maghirap, hindi na kailangang lumuha.

Napakasakit sa akin ang makita kang umiiyak,

Kaya pumipikit nalang ako't

Ginagawa ang lahat.Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-89704280033249535132012-12-14T09:56:00.000+08:002012-12-14T09:56:12.836+08:00BulalakawDalawang kaluluwang nasasabik

Masilayan ang makasaysayang gabi

Nag-aabang ng isang pangyayaring

Walang kasiguraduhan

Sabi nila'y pagpatak ng ala-una'y

Ay uulan ng mga tala

Papatak mula sa langit

Kung saan sila patungo'y

Hindi ko alam

Marahil sa langit rin.

Nang bumulusok ang isang tala'y

Napatili, napaiktad

"Ayun! Nakita mo yun?" bulalas ko,

"Oo," sagot niya.

Ang kaligayahang nadama

Na nakita niya ang nakita kong

Isang napakaganda't pambihirang bagay

Yun ang pinakamagandang bahagi ng

Aking buhay

Ang masilayan ang pag-ulan ng mga bituin

Habang nasa piling

Ng taong noo'y parte lamang

Ng iyong mga hiling

Sa kahit aling

Bituin.

Isa-isang bumagsak

Hindi na nabilang kung ilan

Pero sa tuwing may daraan

Puso ko'y nagagalak

"Humiling ka," sabi nya.

"Natupad na," bulong ko sa sarili.

Maya-maya pa't matumal na ang pagbagsak

Dinapuan na rin ng antok, ang mga manok

Ay nagsimula nang tumilaok

Paalam na, mga bulalakaw.

Kung saan man kayo napunta,

Dala ninyo ang hiling ng aming mga puso.

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Napakaganda ng gabi.

*hango sa tunay na buhay. Geminid meteor shower, December 14, 2012, 1:00AM-1:30AM.

Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-16316880262168787852012-11-10T20:51:00.000+08:002012-11-10T20:51:13.253+08:00Death by MRT*

Hindi ko mawari kung maaawa ako

Sa mga nagsisiksikang Pilipino--

Babae, bakla, tomboy, lalakeng empleyado

Sa isang tren na tila ginto, Ang mga tao

Ay nag-uunahan na tila fans day ni Vic Sotto.

Hindi ko alam kung ako'y mabubuwisit

Kay Kuyang pawisin at walang awang nang-iipit

Sa aking katawang paslit, gamit ang kanyang puwit

O sa mamang pumupuslit ng kaunting pagdiit

Sa aking dibdib na maliit.

Hindi ko alam kung ako'y matatawa

O mapipikon sa mga kumento ng iba

Na tila masaya

Nagagawa pang bumanat at magpatawa

Kahit tagaktak ang pawis at hindi na makahinga.

Ako ay galit, balisa, at nais magwala

Kung bakit tayo'y pumapayag sa ganitong kalala

Na buhay pasahero--araw-araw nag-aalala

Kung magkakasya at makararating sa opisina

O maiipit at hindi na makalalabas pa

Sa impyernong hawla

Na pinatatakbo ng makalawang at lumang makinarya.

*Isinulat habang ang awtor ay nag-aagaw-buhay sa loob ng MRT

Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-55311010189183677812012-09-20T09:05:00.003+08:002012-09-20T09:06:33.822+08:00HirapBawat araw ay isang biyaya,

Bawat gabi ay isang pagsubok.

Bago ako makasakay ng tren,

Isang buntis na walang alalay

Biglang nawalan ng malay.

Wala akong magawa para tumulong,

Wala ring nagawa ang asawa niyang

Hinayaan siyang umalis ng walang kasama.

Ang ibang pasahero'y dali-dali siyang tinulungan

Nang siya'y magkamalay, saka dumating ang tulong.

Pagsakay ng dyip, medyo nakahinga

Ngunit kinabahan sa isang lalaking umamba

Sumabit sa dyip at biglang nagwika;

"Hindi ho ako masamang tao, hihingi lang ho ng tulong

Para sa anak ko."

Nagngilid ang aking luha sa kanyang talumpati

Hindi ko na kailangang marinig pa ang iba

Naramdaman ko ang hirap niya.

Pagdating sa bahay, nais kong magpahinga

Isang makulay na araw na naman, isang librong naisara

Ngunit bago tuluyang mapapikit sa pagbababasa

Isang malupit na mensahe ang sa aki'y ipinadala

Umiyak ako, hindi ko kinayang malaman na

Ang isang taong mahal ko ng buong buhay ko

Ganun na lamang ako itatwa.

Nanaig man ang galit sa aking puso, inisip ko nalang

Bawat araw ay isang biyaya,

Bawat gabi ay isang pagsubok.Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-37438845888197704442012-07-10T11:58:00.000+08:002012-07-10T11:58:23.325+08:00Dyip"Napakain ko na ba ang mga aso?"

"Papasok kaya ang diablo?"

"Sino na naman kaya ang babae nito?"

"Kelan ba ang huling araw ko?"

"Tollgate na pala tayo."

Sa isang kahong may apat na gulong,

Lahat nagmimistulang pipi, iba'y bumubulong

Lulan nito'y estudyante, manedyer, ina, tindera ng bagoong

Tumatakbo ang mga isipan kasabay ng ikot ng gulong.

Dyip kung tawagin ang kahong ito

Umaandar, mabilis, maingay, ang usok ay abo

Laman nito'y iba't ibang uri ng tao

Na may iba't ibang iniisip, iba't ibang kuro-kuro.

Walang maaninag na pagbabago sa mukha

Malayo ang tingin, utak ay malaya

Mistulang piping nagmamasid, natatakot, nagtataka

Ngunit dyipni'y nananatiling payapa.

Iba'y umiidlip, ayaw na lamang mag-isip

Ulo'y nakasandal sa katabi, ang iba'y nakahalukipkip

Ang isa'y binabasa ang lahat ng makita para di mainip

Ang iba'y nangangarap, habang ang iba'y nananaginip sa dyip.

Ayan na, kung kailan ang ulo'y malapit na mahulog

Dyip ay bumabagal, ang isa'y nauntog

Ang iba'y pumupuslit pa ng kaunting tulog

Habang ang iba'y patuloy ang tugtog.

Sigaw ng drayber, "LRT, MRT, Pasay Rotonda na,"

Mula sa pagmumunimuni'y nagising na

Mula sa pagkakaidlip, naalimpungatan na

"Dito na pala," sa tunay na mundo'y pinakawalan na.Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-8054934627718974162012-07-10T11:50:00.000+08:002012-07-10T11:50:39.462+08:00YosiMga paa ni Predo'y kumakaripas, yabag ay malakas

Patungo sa mamang nakaupo't tila nag-uubos ng oras

Dudukot ng barya sa pantalong kupas

Tumakatak ang kahoy, lumitaw ang pagmumulan ng lakas

Yosi, eto na sa wakas.

Sariling dakma kusang kinuha sa ulo

Inilabas ng mama ang nakataling posporo

Sa kahong gawa sa kahoy na pinagtagpi para mailako

Sa uhaw at nangangatog na bunganga'y isinubo

Sinindihan ang puwitan, unti-unti, kaba'y naglaho.

Hithit-buga, hithit-buga, diyan kami kumikita

Mga taong problemado, mga busog, gabi man o umaga

Barya-barya ngayon, isang daan na mamaya

Pampakalma, pampagising, bukas sunog na ang baga

Hithit-buga, hithit-buga, maya't maya may nawawala.

May paparating, handa na ang takatak

Kamay'y nakaamba, sumisikip na ang hawak

"Lights, dalawa," iisa lang ang tiyak

Bulong ng mama sa hangin, "sasamahan yan ng kendi para swak."

Bulalas ng binata'y "Tsaka dalawang Maxx para lima,"

Mama'y muntik mapahalakhak.Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-45442393521766268902012-05-26T21:07:00.000+08:002012-05-26T21:07:25.878+08:00Antok

Matapos nguyain

Lunukin ng mabilis

Ang bawat butil ng

Pagkaing hinain

Hayan na at paparating

Ang isang

Matinding

Antok

Na

Tila

Bumabalot

Gusto akong

Lunurin.

At

Magpasailalim

Sa kanyang lakas

At kapangyarihan

Na ako'y dalhin

Sa lugar na aking

Hinihiling.

Walang magawa kundi

Tapusin ang tula

At isuko ang sarili

Ipipikit ang mata

Sasandal ng saglit

At mawawala muna.

Heto na.

Makikita na naman kita.
Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-89286560919654122412012-05-26T21:05:00.000+08:002012-05-26T21:05:55.384+08:00Tiwala

Hindi magpapadala

Sa galit na nadarama

Nang aking makita

Ang litratong kasama siya.

Hindi magtatanim

Nang kahit anung lihim

Hindi magbabadya sa dilim

Walang galit na kinikimkim.

Magtitiwala

Maniniwala

Sa iyong salita

At iyong gawa.

Sinabi mong ako ang tunay,

Nag-iisa't walang kapantay

Hanggang sa mamatay

Hindi maghihiwalay.

Maniniwala

May tiwala

Magtitiyaga

Sa pag-unawa

Para saan pa ang pag-ibig

Kung madaling mawawala

Kung wala kang tiwala?

Wala.
Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-17967228730080801372012-05-26T21:04:00.000+08:002012-05-26T21:04:50.432+08:00Panaginip

Ikaw ang nagsisilbing

Kumot sa aking lamig

Braso mong nakahalukipkip

Sa aking dibdib

Mahigpit

Tila nagsasabing

Ako'y iyong iniibig

Ng higit sa init ng gabi

Dumadaing

Sa pagsinta

Gaya nang dilim

Humihikbi

Walang mabanaag

Hinahanap

Ang iyong ngiti

Hiningang umiimpis

Sa tikom mong labi

Walang nakaaalam

Ng sarap at halimuyak

Nito kundi ako

At ang malambot na unan

Ang maruming kumot

At ang gabi

Nag-iingay

Sa katahimikan

Ang tunog

Ng iyong hilik

Dahan-dahang

Nilulunod ako Sa panaginip

At sa dalanging

Sana'y magising

Nang ikaw pa rin

Ang aking kapiling.

Sa ngayon ay iidlip

Nang may pangarap

Na isang gabi muli

Sabay tayong

Mananaginip

At magigising

Sa bagong umaga

Para sa atin.

Tuloy-tuloy ang daloy

Ng mga mithiin

Ng mga panahon

Na hihimlay

Babangon

At susugod sa yurak

Ng buhay

Walang hangganan

Ang pagsinta

Hangga't nariyan ka

Narito lamang ako.

Ngayong gabi

Tanging hiling

Isang daing

Sa pagpikit

Ng mga mata

At pagpatay

Sa liwanag

Ikaw ay makita ko

Muli.

Kay sarap managinip

Sa iyong piling

Panaginip.Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-32219564380717526112012-05-26T21:02:00.000+08:002012-05-26T21:02:18.826+08:00Ang Tula ng Kalapating Mababa ang Lipad

Nalalasahan ko pa ang tamis ng huli mong halik

Ang diin ng iyong paghagod sa aking buhok

Habang ako'y nalulunod sa sarap na dulot ng pag-ibig

Tila kahapon lang nang tayo'y nagniig

Ngayo'y humihikbi at balisa

Walang ninanais makamit kundi ang makita

At mahalikan muli ang iyong mata

Kung maaari ko lamang ibalik ang gabing iyon

Na isinuko ko ang buong ako sa iyo

Bawat daplis ng iyong halik at bawat paghinga

Umiiyak ang kalooban ko sa saya

Na sa walong bilyong tao sa mundo

Pinili mong ako ang makasama mo.

Sa paghaplos mo sa aking katawan

Dinadama ang bawat pag-init ng laman

Nakapikit, ako'y napangiti

Tila narating ko na nga ang langit.

At nang ako'y pumailalim at sumuko sa gabi

Nilalamig, lahat ng aking gayak ay nasa sahig

Naramdaman ko ang pag-alis mo sa aking tabi

Hindi mo nakita ang luha sa aking mga mata

Dahil alam kong isang bagay ang totoo

Hindi mo ako ginamit

Minahal mo ako.
Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-38994805346548129082012-05-26T20:59:00.000+08:002012-05-26T20:59:22.778+08:00PaanoPaano natatapos ang pagmamahal

Paano natitigil sa pagaalala

Paano nalalaman na higit mo siyang mahal

Paano nawawala ang pagpapahalaga.

Paano nahihinto ang pagibig

Paano naibibigay sa iba

Paano nakakalimutan ang isa

Paano natututunang piliin ang iba.

Paano nararamdaman ang katapusan

Paano nabubuo ang simula

Paano nililimot ang nakaraan

Paano gigising sa umaga.

Paano nasisimulan ang pagmamahal muli

Paano nakakasigurong mahal kita

Paano nasasabing hindi na kita mahal

Paano natatapos ang pagmamahal?Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-72405243795388078712012-05-16T12:13:00.000+08:002012-05-26T21:00:52.402+08:00Walang hangganan

Yayapusin kita

Hanggang sa

Hindi mo na maalala

Kung sino ka.

Hahalikan kita

Hanggang sa

Dumugo na ang labi

Sa pagkagat at pagsanggi.

Mamahalin kita

Hanggang sa

Walang hangganan.

Yayapusin kita ngayon

Hahalikan din

Ngunit mamahalin kita

Araw-araw

Parati at palagi

Parehas man 'yun

Gagawin ko pa rin.

Mahal na mahal kita.

Kahit kailan, kahit saan,

Ikaw lang.

Yapusin mo ako

Halikan mo ako

Kahit 'wag mo na akong mahalin

Mamahalin pa rin kita.

Walang hangganan.

Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-71377521555594101702012-04-25T20:22:00.000+08:002012-04-25T20:22:14.387+08:00KatotohananGaano kasakit

Malaman ang

Katotohanan?

Mas masakit pa

Kaysa makarinig ng

Kasinungalingan.

Kung kailan kailangan kong

Patibayin ang aking

Pananampalataya,

Saka ako nawawala.

Ang tanging alam ko

Hindi ko hawak ang buhay ko.

Hiram lang ito, at nasa sa akin kung

Susuko ako o ipaglalaban ko ito.

Kahit kailan hindi ako susuko.

Alam kong mas maganda ang plano Niya

Kaysa sa mga pangarap ko.

Hindi pa pala nawawala,

Nariyan parin ang pananampalataya ko.

Diyos ko, Diyos ko,

Tulungan mo ako.
Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-50273568940982668332012-04-25T20:20:00.001+08:002012-04-25T20:20:51.900+08:00Tubig, Tiwala, at Tula"Kaya mo 'yan, ikaw pa."

'Yan ang iyong patuloy na bigkas

Habang ako'y nagpupumiglas

Sa takot na dulot ng tubig

Na tila nakayapos sa akin.

Babad man sa init ng araw

Panay liwanag ang natatanaw

Tiwala ko'y nasa sa iyo

'Pagkat tinig mo pa lamang

O bisig na kakapitan, panatag na.

Takot ko sa tubig

At tiwala ko sa iyo

Parehas napatunayan

Ngunit hindi nabigo

Ako'y nagtiwala sa tubig dahil sa iyo.

"Ang galing mo."

'Yan ang bulalas mo

Hindi man narating ang banderitas na tanda

Mayroon naman tayong habang buhay

Para matuto, magtiwala, at magtula.

*matapos lumangoy ng awtor sa tulong ng kanyang minamahalAnonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-19665950932645502452012-03-21T21:23:00.002+08:002012-03-21T21:28:00.273+08:00TulaAng pag-ibig raw magaling lang sa simula;
'Yan rin ang aking paniniwala.

Ngunit nang makita ka't makilala pa,

Bulong sarili'y: 'di ito magigiba.'

Datapwat isang araw'y aking napagtatwa

Lahat ng bagay sa mundo'y magniningas, magbabaga

Maging ang pag-ibig na minsa'y dakila

Akala'y di maglalaho, akala'y di mawawala.

Kaya huwag kang magtataka

Kung bukas, makalawa

Ang taong inalayan mo nang higit pa sa pagsinta

Ay magising isang araw; ni hindi ka na maalala.

Maligayang Araw ng Mga Tula.

Alaala ma'y mabura,

Ang mga Tula'y hindi mawawala.

Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-25161919424429669352011-11-23T00:11:00.003+08:002011-11-23T00:28:01.738+08:00Ikalawang buhayNakakatuwa noong una kang makita
Nakasuot ng puting t-shirt, batang-bata

Mga mata'y malikot, ngunit may kaunting hiya

Alam mo bang ngiti't tawa mo'y nagpapasaya

Sa isang batang payat na nakasilip sa bintana.

Walang lakas ng loob magpakilala

Hanggang titig at tingin, titili na lamang bigla

Tuwing kami ay bibisita sa bahay ng aming lola

Hangad lagi'y sana'y makita ka

Bumubulong ng dasal, humihiling kay Bathala.

Kung hindi man masulyapan, leeg ay humahaba

Tuwing may mag-do-doorbell sana'y hindi bisita

Nagbabakasakaling ikaw ang makita

Nakatayo, nakaabang, may pinggang dala-dala

Dali-dali akong magsusuot ng tsinelas, kakaripas pababa.

Kapag kaharap ka na'y ang hirap nang huminga

Minsan natatapos ang usapan ng walang salita

Minsan nama'y may tanong na isa, o bigkas na walang kwenta

Pero sa bawat pagkakataon na nakikita ka

Nabibingi sa aking pagtili maging ang aking lola.

Dumating ang pagkakataong ikaw ay nakausap na

Hindi man sa personal, pero langit ay tila narating ko na

Habang nagta-type, dis-oras ng gabi'y nakatanga

Sa bawat salitang bumubulaga sa aking mukha.

Di baleng magkandapuyat-puyat, lumabo ang maliliit na mata.

Paano pa noong sinabi mong ako'y mahal mo na pala

Pwede na akong mamatay, p@&#!(!#(!!!

At sa araw-araw na tayo'y nagkakasama

Iisa lang ang nasa isip tuwina

Natatakot, nagdududa, baka ako'y nananaginip lang pala.

Kinukurot ang sarili, ngunit tunay ka ngang talaga

Dahil para sa aki'y isa kang pangarap na nagkatotoo na

Hindi ko makakalimutan yaong isang umaga

Na nasilayan kita ng unang-una noong tayo'y bata pa

Hindi ko pa man alam kung ano ang pag-ibig, minahal na kita.

Hanggang sa minutong tinatapos ko itong aking tula

Hindi pa rin ako makapaniwala

Na ang isang lalaking sa pangarap ko lang noon sinisinta

Ngayo'y sinasabihan ako ng, "mahal na mahal kita."

Magkasama na tayo hindi lang isang taon, kundi dalawa.

Maligayang ikalawang taong anibersaryo, sa atin Mahal ko!

Hangad ko'y makasama ka hanggang sa ikalawang buhay ko.

2011.11.23
Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-28348622572696018992011-11-07T23:03:00.002+08:002011-11-07T23:07:05.657+08:00ManaMaraming salamat apo, sa tulang iyong sinambitla
Malayo man kami, iyo pa ring naalaala

Kayganda ng tula na iyong kinatha

Ang puso ko ay bumabata

Siya nga pala,
Ang inyong uripon ay nasa aming banwa
Nagluluto ng pansit sa aming kusina.

Nawa'y makapasyal ka dito sa aming puod
Nang makumusta ang apo kong napakaganda.
Ikumusta mo ako sa lahat ng aking mga apo at sa iyong mahal na ina.

-Nanay Yoly

*Ito ay tula na nagmula sa ina ng aming ama

Sa bawat linya, sa bawat salita

Alam na ng madla, kung kanino ako nagmana.

Salamat Nanay Yoly sa iyong tula. :)
Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1082643774623773992.post-64769668549886060192011-11-04T23:04:00.003+08:002011-11-04T23:12:50.205+08:00Nanay

Ito na po ang aking tulang ipinangako

Ngayong inyong kaarawan,

Sana'y makarating sa inyo.

Simula't sapul
Ikaw lamang ang

Kinagisnang 'nanay'

Naming iyong mga apo

Tuwing kami'y bibisita

Noong kami'y mga bata pa

Sulit ang punta

Ilang oras na biyahe'y di inda

Masasarap na ulam

Menudong katam-takam

Ating pinagsasaluhan

Di malilimutan

Mga ala-ala sa Dasmarinas, Cavite

O sa inyong mga pagbisita dito sa Paranaque

Aming hinahanap-hanap

Dahil palaging may pasalubong

Sa inyong kaarawan

Isa lamang ang tanging asam

Na kayo'y makita't mabisitang muli

Sana ay mapadali

Upang maakap at mahalikan

Ang pinakamamahal naming nanay

Na kahit malayo'y

Pinagdarasal, pinagmamalaki ang kanyang mga apo't supling.

Maligayang kaarawan, Nanay Yoly!

Hangad po nami'y makita kang muli! :)

Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/08607324630704070606noreply@blogger.com0