Gusto kong gumawa ng tula
Hindi para ilathala
Kung paano tayo'y nagkakilala
At bumuo ng mga alaala.
Gusto kong gumawa ng tula
Hindi para ipakita
Na ako ay masaya
Tuwing ikaw ay kasama.
Gusto kong gumawa ng tula
Hindi para ipadama
Na ako'y nahuhulog na
At lumalampas na sa itinakda.
Gusto kong gumawa ng tula
Para bigkasin sa bawat salita
Na ang nararamdaman ko sa
Tuwing ika'y kausap ay saya.
Gusto kong gumawa ng tula
Hindi para magpakita
Ng gilas, at iyabang na
Marunong ako, sabi ko nga.
Gusto ko gumawa ng tula
Para sabihin sa'yo na
Kung anuman ang meron tayo sa
Ngayon, ay hindi na mawawala
Dahil dito sa tula
Na ito ko isusulat na
Ang mga ginawa nating alaala
Ay hindi na mabubura.
Naisulat ko na
Nasabi ko na
Maniwala ka na
Na gusto kong gumawa ng tula
Dahil gusto kita.
Gusto kong gumawa ng tula
Dahil gusto kita
Ngunit ano namang magagawa?
Wala naman, wala.
ekskomunikado
dahil bawat salita mo ay maaaring gamitin laban sa iyo
Saturday, August 27, 2016
Tuesday, May 20, 2014
Usapang Ex
Nakaka-"move on" ka ba talaga sa isang taong dati mong minahal?
Paano mo masasabi na hindi mo na siya mahal?
Dahil ba hindi mo na siya naaalala sa bawat paggising mo sa umaga?
Dahil ba hindi mo na hinihintay ang mga text niya tuwing kakain ka na?
Dahil ba hindi mo na siya nakikita sa mga panaginip mo?
Dahil ba hindi mo na nararamdaman ang kilig, di tulad noon?
Paano mo masasabi na wala na ang dating pagsinta?
Dahil ba may iba ka nang mahal ngayon?
Dahil ba may iba na siyang mahal ngayon?
Dahil ba hindi na kayo nag-uusap, o nagsasabihan ng "Mahal kita."
Dahil ba hindi mo na nararamdaman na kailangan mo siya, di tulad noon?
Paano mo masasabi na matagumpay ka sa paglimot sa kanya?
Dahil ba hindi mo na siya naiisip o inaalala kung nakauwi na ba siya?
Dahil ba wala ka nang pakialam kung sinong kasama niya?
Dahil ba binura mo na ang cellphone number niya?
Dahil ba may iba ka nang mahal ngayon?
Para sa akin, walang sinuman ang nakaka-move on ng legit.
Kahit papaano, may onting kurot tuwing naaalala mo ang nakaraan
Kahit papaano, may kaunting kilig pag naaalala mo ang mga pinagsamahan
Kahit papaano, may kakarampot pang pagsisisi o pag-asa
Kahit papaano, may natitira pang pag-ibig para sa kanya sa puso mo.
Para sa akin, hindi mo siya kailanman makakalimutan
Maliban nalang kung magka-amnesia ka.
Dahil hindi mo gugustuhing makalimutan ang isang pagkakataon sa buhay mo
Na nagmahal ka lang ng lubos; na nagmahalan lang kayo.
Kahit ano pa mang naging dahilan ng paghihiwalay ninyo, kahit papaano, naging isa kayo.
Para sa akin, ang pag-mo-move on ay hindi madaling gawin
Kailangan mong mahanap sa puso mo na napatawad niyo na ang isa't isa
Kailangan mong matanggap na masaya na kayo, pero di niyo na kailangang maging kayo.
Para sa akin, ang pag-mo-move on ay hindi madali, pero hindi rin mahirap gawin
Kailangan niyo lang respetuhin na sa buhay na ito,
Nagampanan mo na ang parte mo.
Wag mo na siyang gambalain, wag mo na siyang kaibiganin
Wag mo na siyang kausapin, wag mo na siyang kamustahin
Imbis na buklatin mong muli ang inyong nakaraan
Ilaan mo nalang ang oras mo sa iyong kasalukuyan.
Tandaan: Sa lahat ng iyong gagawin, pipili ka lamang ng isa sa dalawa. Nawa'y piliin mo ang karapat-dapat palagi.
Labels:
filipino,
judy marie santiago,
pag-ibig,
payong kaibigan,
poem,
poetry,
tagalog,
tula,
tulang tagalog,
usapang ex
Friday, May 16, 2014
Pitaka
Wala nang mas sasakit pa
Sa pakiramdam na iwanan ka
Habang hindi ako nakatingin
Hindi ko namalayang wala ka na sa akin.
Kagabi lamang tayo'y magkasama pa
Ngunit pagkagising ko kaninang umaga
Hindi ko inakalang yun na pala ang huling gabi
Na ikaw ay nasa aking tabi.
Noong una'y hindi pa ako tinatablan
Ng lungkot dahil ako'y tinalikdan
Umasa pa ako na ika'y madaratnan muli
Sa bahay- hinihintay ang aking paguwi.
Ngunit tila ako'y masyadong nag-akala
At umasang hindi ka mawawala
Dahil akin ka lamang, at ako'y sa iyo
Ngayo'y tanong sa sarili, "bakit mo ako iniwang ganito?"
Pinipilit kong alalahanin kung saan ako nagkulang
O kung kailan kita nabigyan ng dahilan
Upang lisanin ako at hindi na balikan pa
Dahil hindi matanggal sa akin ang pagkabalisa.
Oo, inaamin ko, marahil nagkulang ako
Pero sana bigyan mo ko ng pagkakataong magbago
Bumalik ka na sa akin, o wallet ko
Araw-araw akong maghihintay sayo.
At sa iyong pagbalik, iisa lang ang pangako ko
Hinding-hindi na ako papayag na tayo'y magkalayo.
Patawarin mo ako kung ako'y naging abala
Sa mga bagay sa mundo na wala namang halaga
Hindi ko tuloy namalayan ang iyong pag-alpas
Ngayon hindi ko na alam kung paano haharapin ang bukas.
Bumalik ka na,
Aking pitaka.
Parang awa mo na.
Hindi pa ako
Handang magpaalam sayo.
Sa pakiramdam na iwanan ka
Habang hindi ako nakatingin
Hindi ko namalayang wala ka na sa akin.
Kagabi lamang tayo'y magkasama pa
Ngunit pagkagising ko kaninang umaga
Hindi ko inakalang yun na pala ang huling gabi
Na ikaw ay nasa aking tabi.
Noong una'y hindi pa ako tinatablan
Ng lungkot dahil ako'y tinalikdan
Umasa pa ako na ika'y madaratnan muli
Sa bahay- hinihintay ang aking paguwi.
Ngunit tila ako'y masyadong nag-akala
At umasang hindi ka mawawala
Dahil akin ka lamang, at ako'y sa iyo
Ngayo'y tanong sa sarili, "bakit mo ako iniwang ganito?"
Pinipilit kong alalahanin kung saan ako nagkulang
O kung kailan kita nabigyan ng dahilan
Upang lisanin ako at hindi na balikan pa
Dahil hindi matanggal sa akin ang pagkabalisa.
Oo, inaamin ko, marahil nagkulang ako
Pero sana bigyan mo ko ng pagkakataong magbago
Bumalik ka na sa akin, o wallet ko
Araw-araw akong maghihintay sayo.
At sa iyong pagbalik, iisa lang ang pangako ko
Hinding-hindi na ako papayag na tayo'y magkalayo.
Patawarin mo ako kung ako'y naging abala
Sa mga bagay sa mundo na wala namang halaga
Hindi ko tuloy namalayan ang iyong pag-alpas
Ngayon hindi ko na alam kung paano haharapin ang bukas.
Bumalik ka na,
Aking pitaka.
Parang awa mo na.
Hindi pa ako
Handang magpaalam sayo.
Labels:
filipino poetry,
judy marie santiago,
Pitaka,
poem,
tula,
tulang tagalog
Subscribe to:
Posts (Atom)