Oktubre
Kay bilis mong dumating
Kay bilis mo ring nawala.
Hindi kita malilimutan.
Kung paanong sa maikling panahon
Binago mo ang buhay ko.
Salamat sa mga pagbabago.
Salamat sa iyo.
Hanggang sa muli.
Oktubre,
Mamimiss kita.
Ngunit sa ngayon
Kailangan kong harapin
At tanggapin
Na isa ka na lamang--
Isa ka na lamang
Buwan na dumaan.
Friday, November 1, 2013
Monday, July 8, 2013
Isang Minutong Tula
Sa mga panahong wala kang maisulat
Hindi dahil walang inspirasyon
Hindi dahil walang oras
Ngunit dahil kailanman
Hindi sasapat ang mga salita
Upang maipabatid ang nais sabihin
Hindi masabi sa isang pangungusap
O kahit isang talata
Kung ano ang tunay na nadarama
Kaya dinadaan nalang sa tula
Upang kahit papaano
Walang balakid, walang mali
Hindi kailangang lagyan ng kuwit
Ng tuldok
Ng kaakit-akit na panimula
O ng pamatay na pamagat
Dahil ang tula
Walang limitasyon
Walang hangganan
Tulad ng pagibig
Hindi kailangang lagyan
Ng katapusan
Hindi dahil walang inspirasyon
Hindi dahil walang oras
Ngunit dahil kailanman
Hindi sasapat ang mga salita
Upang maipabatid ang nais sabihin
Hindi masabi sa isang pangungusap
O kahit isang talata
Kung ano ang tunay na nadarama
Kaya dinadaan nalang sa tula
Upang kahit papaano
Walang balakid, walang mali
Hindi kailangang lagyan ng kuwit
Ng tuldok
Ng kaakit-akit na panimula
O ng pamatay na pamagat
Dahil ang tula
Walang limitasyon
Walang hangganan
Tulad ng pagibig
Hindi kailangang lagyan
Ng katapusan
Wednesday, June 19, 2013
Ulan
Madilim
Malamig
Nag-iisa
Kay sarap
Yakapin
At haplusin
Ang ilalim ng
Unan.
Makulimlim
Malalim
Na ang gabi
Kay sarap
Humiga
At masdan
Ang bawat patak ng
Ulan.
Kahit anung lakas mo
Sa lupa pa rin ang iyong bagsak.
Kahit anung tatag mo
Mauubos rin ang iyong lakas.
Kahit ano pang idulot mo
Huhupa rin ang baha.
Lilitaw din ang buwan,
Sisilip muli ang mga tala, at
Bukas lalabas rin ang araw.
Labels:
bagyo,
filipino poetry,
judy marie santiago,
patak ng ulan,
poem,
poetry,
tagalog poetry,
tula,
tulang tagalog,
ulan,
umuulan
Subscribe to:
Posts (Atom)