Sa tilaok ng mga manok ako'y sanay na,
Init ng iyong yapos hindi makapaniwalang
Nariyan ka, narito sa tabi ko
Sa isang kamang para sa isa lamang noon.
Ako'y bumangon, ika'y nagising,
Ganito palang pakiramdam kapag kapiling
Mo ang mahal mo sa iyong pagtulog
Parang ang daling ngumiti, parang ang hirap umalis.
Alam mo bang kay sarap mong titigan
Tuwing tulog ka'y nais ka lang halikan
Hindi dahil magulo, o maayos ang higa
Kundi di makapaniwalang nariyan ka.
Dali-dali kang bumaba, ako'y natulala
Halos mapaluha ng kita'y makita
Sa kusina, naghihiwa ng sibuyas, patatas, at bawang,
Anong ligaya to, ako'y pagluluto mo ng agahan.
Habang kumakain, ika'y nagmamadali
'Pagkat ika'y maliligo pa't ako'y ihahatid
Sa opisina upang ako'y makasama pa
Kahit sandali pa, kahit kaunting oras pa.
Wala na akong mahihiling pa,
Ganito pala ang buhay may asawa*
Sana'y sa bawat umagang darating sa atin
Ikaw lang at ikaw ang aking kapiling.
Pumuti man ang ating buhok, o di kaya'y makalimutan
Ang pustiso isuot, narito lamang ako, sana'y
Nariyan ka lang rin para sa akin
Sa bawat umagang titilaok ang mga manok.
*Disclaimer: Ang awtor ay wala pang asawa. Ito ay kathang-isip lamang. Ang inspirasyon ng tulang ito ay mula sa tula ni Mark See na Buhay Live-in
Sweet :) Gustung-gusto ko 'tong part na to:
ReplyDelete"upang ako'y makasama pa
Kahit sandali pa, kahit kaunting oras pa."
Hahaha! :) Thanks Mark! ;) Gusto ko din yung part na yun actually. Hehe. Salamat sa inspirasyon. :D
ReplyDeleteAnong tamis! :D
ReplyDeleteAlam mo yan, Kristina! :) Kainggit! :P
ReplyDeletehuwaw. shetness, hehe. natudla din ako pero ala ako angas para ipabasa sa madlang pips. antagal ko na hindi nakarinig ng tilaok ng manok since nagwork ako, judy! yay! gleng-gleng mo naman!!
ReplyDeleteay isa pa, hehe.
ReplyDeleteHaha! Wow, salamat Pritong Pretsels! Sige lang, sumulat ka lang ng tula! Masaya. :) Andito ako para basahin! Go lang! :) Salamat! :D
ReplyDelete