Showing posts with label poetry poem. Show all posts
Showing posts with label poetry poem. Show all posts
Saturday, May 26, 2012
Panaginip
Ikaw ang nagsisilbing
Kumot sa aking lamig
Braso mong nakahalukipkip
Sa aking dibdib
Mahigpit
Tila nagsasabing
Ako'y iyong iniibig
Ng higit sa init ng gabi
Dumadaing
Sa pagsinta
Gaya nang dilim
Humihikbi
Walang mabanaag
Hinahanap
Ang iyong ngiti
Hiningang umiimpis
Sa tikom mong labi
Walang nakaaalam
Ng sarap at halimuyak
Nito kundi ako
At ang malambot na unan
Ang maruming kumot
At ang gabi
Nag-iingay
Sa katahimikan
Ang tunog
Ng iyong hilik
Dahan-dahang
Nilulunod ako Sa panaginip
At sa dalanging
Sana'y magising
Nang ikaw pa rin
Ang aking kapiling.
Sa ngayon ay iidlip
Nang may pangarap
Na isang gabi muli
Sabay tayong
Mananaginip
At magigising
Sa bagong umaga
Para sa atin.
Tuloy-tuloy ang daloy
Ng mga mithiin
Ng mga panahon
Na hihimlay
Babangon
At susugod sa yurak
Ng buhay
Walang hangganan
Ang pagsinta
Hangga't nariyan ka
Narito lamang ako.
Ngayong gabi
Tanging hiling
Isang daing
Sa pagpikit
Ng mga mata
At pagpatay
Sa liwanag
Ikaw ay makita ko
Muli.
Kay sarap managinip
Sa iyong piling
Panaginip.
Labels:
filipino,
pagmamahal,
pagtula,
panaginip,
pinoy,
poem,
poetry,
poetry poem,
tagalog,
tagalog poetry,
tula,
tulang tagalog
Wednesday, February 2, 2011
Minsan
Minsan kailangan mong matakot
Makakita ng dugo
Masaktan
Para malaman mong buhay ka.
Minsan kailangan mong umiyak
Maging iba sa mundo
Maiwanan
Para malaman mong hindi ka nag-iisa.
Minsan kailangan mong matalo
Maging mahina
Mapahiya
Para malaman mong may magagawa ka pa.
Minsan kailangan nating mahulog
Magmahal
Mauntog
Para malaman nating tao lamang tayo.
Madalas,
Tao lang tayo.
Nagkakasakit,
Namamatay.
Pero minsan
Nakakalimutan natin
Na ginawa tayo ng Diyos
Para mahalin Niya.
Madalas,
Hindi natin alam yun.
Pero ni minsan,
Hindi Siya nagkulang.
Minsan, mamamatay rin tayo.
Kelan? Hindi natin alam.
Makakita ng dugo
Masaktan
Para malaman mong buhay ka.
Minsan kailangan mong umiyak
Maging iba sa mundo
Maiwanan
Para malaman mong hindi ka nag-iisa.
Minsan kailangan mong matalo
Maging mahina
Mapahiya
Para malaman mong may magagawa ka pa.
Minsan kailangan nating mahulog
Magmahal
Mauntog
Para malaman nating tao lamang tayo.
Madalas,
Tao lang tayo.
Nagkakasakit,
Namamatay.
Pero minsan
Nakakalimutan natin
Na ginawa tayo ng Diyos
Para mahalin Niya.
Madalas,
Hindi natin alam yun.
Pero ni minsan,
Hindi Siya nagkulang.
Minsan, mamamatay rin tayo.
Kelan? Hindi natin alam.
Labels:
filipino,
judy marie santiago,
kamatayan,
minsan,
poem,
poetry,
poetry poem,
tagalog,
tula
Tuesday, February 1, 2011
Isang Pumpon ng Bulaklak
Hindi ko malilimutan
Isang araw sa Pebrero
Nang ako'y sorpresahin mo
Nang isang halik, at ng mga bulaklak.
Pakiramdam ko ako ang pinakamagandang
Babae sa mundo noong araw na iyon.
Kay tagal kong hinintay na may isang
Lalaking magbibigay ng bulaklak sa akin.
Malaki at makulay, daig ko ang lahat
Ng babaeng may bitbit sa kanilang bisig
Ng isang pumpon ng bulaklak at hawak
Ang kamay ng pinakagwapong lalake sa mundo.
Hindi mo alam kung gaano ko kasaya
Habang ang tamis ng mga bulaklak
Ay sumasagi sa hangin, tila nagsasabing
Mahal mo ako. Mahalaga ako.
Ika-labing apat noon ng Pebrero
At sa dalawampung beses na dumating sa buhay ko
Ang araw na iyon,
Noon lang ako lumigaya ng husto.
Isang pumpon ng bulaklak*
Dala sa puso ko'y galak
Na tila hindi ko malilimutan
Ilang araw ng mga puso man ang dumaan.
*sa wikang Ingles, a bouquet of flowers
Isang araw sa Pebrero
Nang ako'y sorpresahin mo
Nang isang halik, at ng mga bulaklak.
Pakiramdam ko ako ang pinakamagandang
Babae sa mundo noong araw na iyon.
Kay tagal kong hinintay na may isang
Lalaking magbibigay ng bulaklak sa akin.
Malaki at makulay, daig ko ang lahat
Ng babaeng may bitbit sa kanilang bisig
Ng isang pumpon ng bulaklak at hawak
Ang kamay ng pinakagwapong lalake sa mundo.
Hindi mo alam kung gaano ko kasaya
Habang ang tamis ng mga bulaklak
Ay sumasagi sa hangin, tila nagsasabing
Mahal mo ako. Mahalaga ako.
Ika-labing apat noon ng Pebrero
At sa dalawampung beses na dumating sa buhay ko
Ang araw na iyon,
Noon lang ako lumigaya ng husto.
Isang pumpon ng bulaklak*
Dala sa puso ko'y galak
Na tila hindi ko malilimutan
Ilang araw ng mga puso man ang dumaan.
*sa wikang Ingles, a bouquet of flowers
Wednesday, January 26, 2011
Papaya
Noo'y madalas iwasan ka,
Ayaw kang matikman, ni makita.
Lasa mo'y hindi ko gusto, kulay mong
Hindi nakakaakit, hindi nakakahumaling.
Ngunit dahil ilang araw na kitang kasama,
Matututunan ko rin pala ang magustuhan ka.
Habang naririto ka pa, nagbibigay saya,
Nais kong malaman mo,
Papaya,
Mahal na kita!
*ang prutas na papaya ang nagsilbing pagkain ng awtor habang siya ay nakikipaglaban sa sakit na gastritis.
Ayaw kang matikman, ni makita.
Lasa mo'y hindi ko gusto, kulay mong
Hindi nakakaakit, hindi nakakahumaling.
Ngunit dahil ilang araw na kitang kasama,
Matututunan ko rin pala ang magustuhan ka.
Habang naririto ka pa, nagbibigay saya,
Nais kong malaman mo,
Papaya,
Mahal na kita!
*ang prutas na papaya ang nagsilbing pagkain ng awtor habang siya ay nakikipaglaban sa sakit na gastritis.
Labels:
filipino,
judy marie santiago,
papaya,
poem,
poetry,
poetry poem,
tagalog,
tula
Thursday, January 13, 2011
Walang title
Kung kinakailangang
Pigain mula
Sa utak ko
Ang laman
Ng tulang ito
Ikaw at ikaw lang
Ang laman ng bawat
Linya
Ng bawat
Pag-hinga
Bilang palaging laman ng
Isip ko
At may pinakamalaking
Puwang sa
Puso ko
Lahat ng tulang
Ginagawa ko
Ay tungkol
At para
Lamang
Sa'yo.
Ganun kita kamahal.
Pigain mula
Sa utak ko
Ang laman
Ng tulang ito
Ikaw at ikaw lang
Ang laman ng bawat
Linya
Ng bawat
Pag-hinga
Bilang palaging laman ng
Isip ko
At may pinakamalaking
Puwang sa
Puso ko
Lahat ng tulang
Ginagawa ko
Ay tungkol
At para
Lamang
Sa'yo.
Ganun kita kamahal.
Labels:
filipino,
judy marie santiago,
love,
pag-ibig,
poem,
poetry,
poetry poem,
sa'yo,
tagalog,
tula
Monday, January 10, 2011
Yakap
Tatlong araw ang lumipas
Walang kibo, walang imik
Sumasagi sa isipan, napag-uusapan
Ngunit kailangang magtiis, kailangang matuto.
Hinahanap ka nila, kung bakit ika'y
Wala sa aking tabi, kanilang nakasanayan
Aking nakasanayan, iyong nakasanayan,
Pero bakit nga wala, pero bakit balisa?
Nang tayo'y tumalikod, sinubukang kalimutan
Parang pinatay ko rin ang sarili ko.
Bawat lugar na daanan,
Bawat pagkaing isusubo,
Bawat salitang maririnig,
Bawat hanging darampi,
Ikaw ang nasa isip ko.
Lahat tungkol sayo.
Lahat ng ako'y ikaw.
Hindi talaga kita kayang tiisin, kahit pa sabihing
"Hayaan mo siya, babalik rin yan."
Sa tagal ng panahong labi'y di nagdampi,
Sinabi sa sarili'y, "mahal kita'ng talaga."
Noon lang ako nangulila ng ganoon,
Hindi na hahayaang maulit pa.
Kaya ng ako ay pinaunlakan mo ng pagkakataon,
Hindi ko 'yun sasayangin, hinding-hindi na.
Dumating nga ang araw na iyon,
Ika'y nakita kong nakatalikod
Anung kaligayahan ang bumalot sa akin,
Nang magkita ang ating mga mata, ako ay nabuhay muli.
Braso mo'y tila bukas sa aking katawang matagal nang
Di naaakap, nayayapos
Kaya nang ako'y lumapit, di nagdalawang isip
Yakapin ka, halikan ka, mahalin ka.
Mahal na mahal kita.
Doon at noon rin,
Sa iyong mga bisig,
Pinatawad mo ako
At aking naramdaman,
Mahal na mahal mo talaga ako...
Sa yakap na iyon.
Walang kibo, walang imik
Sumasagi sa isipan, napag-uusapan
Ngunit kailangang magtiis, kailangang matuto.
Hinahanap ka nila, kung bakit ika'y
Wala sa aking tabi, kanilang nakasanayan
Aking nakasanayan, iyong nakasanayan,
Pero bakit nga wala, pero bakit balisa?
Nang tayo'y tumalikod, sinubukang kalimutan
Parang pinatay ko rin ang sarili ko.
Bawat lugar na daanan,
Bawat pagkaing isusubo,
Bawat salitang maririnig,
Bawat hanging darampi,
Ikaw ang nasa isip ko.
Lahat tungkol sayo.
Lahat ng ako'y ikaw.
Hindi talaga kita kayang tiisin, kahit pa sabihing
"Hayaan mo siya, babalik rin yan."
Sa tagal ng panahong labi'y di nagdampi,
Sinabi sa sarili'y, "mahal kita'ng talaga."
Noon lang ako nangulila ng ganoon,
Hindi na hahayaang maulit pa.
Kaya ng ako ay pinaunlakan mo ng pagkakataon,
Hindi ko 'yun sasayangin, hinding-hindi na.
Dumating nga ang araw na iyon,
Ika'y nakita kong nakatalikod
Anung kaligayahan ang bumalot sa akin,
Nang magkita ang ating mga mata, ako ay nabuhay muli.
Braso mo'y tila bukas sa aking katawang matagal nang
Di naaakap, nayayapos
Kaya nang ako'y lumapit, di nagdalawang isip
Yakapin ka, halikan ka, mahalin ka.
Mahal na mahal kita.
Doon at noon rin,
Sa iyong mga bisig,
Pinatawad mo ako
At aking naramdaman,
Mahal na mahal mo talaga ako...
Sa yakap na iyon.
Labels:
filipino,
judy marie santiago,
pag-ibig,
poem,
poetry,
poetry poem,
tagalog,
tula,
yakap
Thursday, January 6, 2011
Ginaw
"Mag-isip ka naman."
'Yan ang sabi mo sa akin.
Unti-unti akong pinapatay ng
Katahimikan,
Ng lamig.
Patawarin mo na ako.
Giniginaw na ako
Sa lamig ng iyong turing
Sa akin.
Nag-iisip ako, ngunit
Wala akong ibang maisip
Kundi ako
At ikaw
Noon.
'Yan ang sabi mo sa akin.
Unti-unti akong pinapatay ng
Katahimikan,
Ng lamig.
Patawarin mo na ako.
Giniginaw na ako
Sa lamig ng iyong turing
Sa akin.
Nag-iisip ako, ngunit
Wala akong ibang maisip
Kundi ako
At ikaw
Noon.
Monday, December 20, 2010
KDA
Tumingin ka man sa mata ko,
Halikan man kita,
Yakapin, hawakan,
Hindi ko kayang sabihin,
Hindi mo kayang damhin,
Kahit ngayon, bukas,
O sa isang taon,
Hindi ko masasabi,
Hindi mo malalaman.
Hindi mo alam kung gaano kita kamahal.
Labels:
filipino,
kevin duque aladin,
pag-ibig,
poetry poem,
tagalog
Subscribe to:
Posts (Atom)