Wednesday, January 26, 2011

Papaya

Noo'y madalas iwasan ka,
Ayaw kang matikman, ni makita.
Lasa mo'y hindi ko gusto, kulay mong
Hindi nakakaakit, hindi nakakahumaling.

Ngunit dahil ilang araw na kitang kasama,
Matututunan ko rin pala ang magustuhan ka.
Habang naririto ka pa, nagbibigay saya,
Nais kong malaman mo,

Papaya,
Mahal na kita!

*ang prutas na papaya ang nagsilbing pagkain ng awtor habang siya ay nakikipaglaban sa sakit na gastritis.

2 comments:

  1. Ang papaya ay mahusay din na pampa- kinis. Ang balat ny papaya ay maaaring ikuskos sa balat para gawing "scrub". BOW. :D

    ReplyDelete
  2. Wahaha! Pag ako'y tuluyang gumaling, ang papaya'y ipangkukuskos nalang sa aking balat. Haha. Sa ngayon, kakainin ko muna ang papaya ng buong galak. :P

    ReplyDelete

May gusto ka bang sabihin?