Nais ko mang maibsan kahit kaunti ang iyong paghihirap
Ang dahilan sa likod ng iyong pagod at luha
Mas nanaisin ko na lamang magpakatatag
At maghanda para sa mas mapait na hinaharap.
Patawarin mo ako kung ako'y tila nagdaramot,
Ngunit ang totoo'y pinipigilan ko lang ang sarili kong
Magbigay ng labis sa aking makakaya. Sapagkat
Alam kong darating ang araw na ako rin ang sa huli'y luluha.
Wala akong ginusto kundi ang maiahon tayo
Sa lusak na tila sumpang ayaw mawala
Ngunit kung kukunsintihin ko ang iyong mga layaw
Malamang sa lusak rin tayo pulutin balang-araw.
Sana'y maintindihan mo at madama mo
Na ang tanging hangad ko lamang ay malampasan natin ito.
Naniniwala ako na darating rin ang araw
Na hindi na kailangang maghirap, hindi na kailangang lumuha.
Napakasakit sa akin ang makita kang umiiyak,
Kaya pumipikit nalang ako't
Ginagawa ang lahat.
Showing posts with label nanay. Show all posts
Showing posts with label nanay. Show all posts
Wednesday, January 16, 2013
Luha
Labels:
filipino,
hirap,
judy marie santiago,
luha,
nanay,
poem,
poetry,
tagalog poetry,
tula,
tulang tagalog
Monday, February 7, 2011
Mami
Hindi pa man
Tumitilaok ang mga manok,
O sumisikat ang haring araw,
O tumutunog ang alarm ninuman,
Naaamoy ko na ang bawang sa niluluto mong sinangag.
Hindi pa man
Nagsasabing gusto kong
Sumama sa field trip namin
Kahit malapit lang ngunit mahal
Lagi mo akong pinapayagan, pati baon binibilhan.
Hindi pa man
Nagpapaalam na aalis
At uuwi ng hatinggabi
Magpapaalala na agad na mag-iingat
At "huwag magpagabi", kahit gabi na.
Hindi pa man
Nagsasabi na may masakit sa akin
Na may karamdaman
Tuwing gigisingin kita sa gitna ng iyong tulog
Dali-dali kang babangon, hanggang ako'y makatulog.
Hindi pa man
Nakikita o nahahawakan
Dahil nasa loob pa ako ng iyong tiyan
May mga pangarap ka na para sa akin
Na kasama kitang tutuparin.
Hindi pa man
Nakararanas na maging ina
Alam ko ang hirap, alam ko ang saya
Ang makita ang iyong mga anak na inaabot
Ang mga pangarap na sa'yo lamang noon.
Hindi pa man
Nagpapaliwanag, nagsasalita
Naiintindihan mo na, nababasa mo sa mukha
Kung ako'y nagkasala, at nagsisisi
O uulitin lamang ang mali, babalik rin sa dati.
Ang pagiging ina ay hindi madali
Lalo na't habambuhay kang nagbabakasakali
Sa anumang paraan para mapagaan ang buhay
Ng iyong mga anak, o makapagpataas ng bahay.
Aking ina, maraming salamat
Sa iyong mga pangarap
Na masarap abutin lalo na't
Nakikita ka namin
Na sumasaya rin.
Hindi pa man
Sabihin na kailangan ka namin
Na huwag mo kaming iwan
Na diyan ka lang sa aming tabi
Nariyan ka, nariyan ka lagi,
At yun rin naman ang aming pangako sa'yo, Mami.
Patawarin mo kami sa aming pagiging bata,
Malalaman rin namin ang iyong pakiramdam
Pagdating ng panahong kami naman ang susulatan
Ng tulang tulad nito sa aming kaarawan.
Maligayang bati, mahal naming ina!
Habambuhay tayong magkakasama.
Tumitilaok ang mga manok,
O sumisikat ang haring araw,
O tumutunog ang alarm ninuman,
Naaamoy ko na ang bawang sa niluluto mong sinangag.
Hindi pa man
Nagsasabing gusto kong
Sumama sa field trip namin
Kahit malapit lang ngunit mahal
Lagi mo akong pinapayagan, pati baon binibilhan.
Hindi pa man
Nagpapaalam na aalis
At uuwi ng hatinggabi
Magpapaalala na agad na mag-iingat
At "huwag magpagabi", kahit gabi na.
Hindi pa man
Nagsasabi na may masakit sa akin
Na may karamdaman
Tuwing gigisingin kita sa gitna ng iyong tulog
Dali-dali kang babangon, hanggang ako'y makatulog.
Hindi pa man
Nakikita o nahahawakan
Dahil nasa loob pa ako ng iyong tiyan
May mga pangarap ka na para sa akin
Na kasama kitang tutuparin.
Hindi pa man
Nakararanas na maging ina
Alam ko ang hirap, alam ko ang saya
Ang makita ang iyong mga anak na inaabot
Ang mga pangarap na sa'yo lamang noon.
Hindi pa man
Nagpapaliwanag, nagsasalita
Naiintindihan mo na, nababasa mo sa mukha
Kung ako'y nagkasala, at nagsisisi
O uulitin lamang ang mali, babalik rin sa dati.
Ang pagiging ina ay hindi madali
Lalo na't habambuhay kang nagbabakasakali
Sa anumang paraan para mapagaan ang buhay
Ng iyong mga anak, o makapagpataas ng bahay.
Aking ina, maraming salamat
Sa iyong mga pangarap
Na masarap abutin lalo na't
Nakikita ka namin
Na sumasaya rin.
Hindi pa man
Sabihin na kailangan ka namin
Na huwag mo kaming iwan
Na diyan ka lang sa aming tabi
Nariyan ka, nariyan ka lagi,
At yun rin naman ang aming pangako sa'yo, Mami.
Patawarin mo kami sa aming pagiging bata,
Malalaman rin namin ang iyong pakiramdam
Pagdating ng panahong kami naman ang susulatan
Ng tulang tulad nito sa aming kaarawan.
Maligayang bati, mahal naming ina!
Habambuhay tayong magkakasama.
Subscribe to:
Posts (Atom)