Showing posts with label galit. Show all posts
Showing posts with label galit. Show all posts

Tuesday, November 30, 2010

Galit

Kung bakit ako'y nagagalit
Hindi ko mawari-wari
Tanong ko sa sarili
Nasan na ang ngiti

Ako ba'y pagod na
Kaya't mukha'y mahaba
Ikaw ba'y sawa na
Huwag naman sana.

Sa pagkakataong ito
Habang dalawa pa tayo
Ako'y nangangako
Ngayon ri'y magbabago

Sa'yo pa ba mapupuot
Na tanging nagdudulot
Ng saya at lungkot
Sa buhay kong gusot.