Friday, December 10, 2010

Mamaya

Puyat, dahil di makatulog
Inaantok, ngunit gising
Binibilang bawat oras,
Pumipintig, nasasabik.

Ano nga bang mangyayari mamaya?
Tila di na makapaghintay na makita
At makasama ka, saan nga ba pupunta
Kundi sa iyong tabi, sa iyong tabi.

Sa wakas, malapit na,
Mamaya na ang nais na ngayon
Ngayon kailangan munang magtiis dahil
Mamaya magkakasama rin naman tayo.

Pisil ng iyong kamay, maamo mong mukha,
Akin ka, akin lang.
Nangingiti sa bawat sandaling
Iisipin na ang mamaya ay paparating.

No comments:

Post a Comment

May gusto ka bang sabihin?