Tuesday, January 4, 2011

ex ko

Sa aking paggising, ikaw ang unang alaala,
Nananabik muling makapiling ka.
Ngunit nang makita kong nawala ka,
Nawala rin ako.

Ikamamatay ko ang pagkawala mo,
Lalo pa't buong buhay ko'y inalay na sa'yo
"Babalik rin 'yan," wika nila
Pumikit at bumulong sa hangin; "Bumalik ka na."

Hindi mawari kung saan hahanapin,
Kung papaano ka babalik sa akin.
Ginawa na ang lahat, ipinagtanong, nanalangin,
Pero ang maghanap ng papalit, 'di sumagi sa akin.

Sa wakas, bumalik ka nga,
Anong ligaya ang aking naramdaman
Akala'y 'di na magkakasama pa,
Ikamamatay ko kung ika'y mawawala pa.

Hindi na hahayaang lumisan pa,
Hahawakan kita't babantayan
Palagiang nariyan sa iyong tabi,
'Wag ka lang mawala, 'wag lang, 'wag na.

Dahil nung ika'y nawala,
Nawala rin ako.

*ex ko; mula sa salitang exCOMMUNICADO, ang blog ng awtor na panandaliang nagkaron ng problema at hindi niya ma-access sa kanyang kompyuter. Walang anumang patungkol ang tulang ito sa kahit na sinong tao.

6 comments:

  1. aww... i miss composing poems. keep on writing!

    ReplyDelete
  2. andami mo namang site miss! anooo baaa??? GYAHAHAHA, ikaw pala ay isang makata :D

    ReplyDelete
  3. Wow, salamat sa pagbisita, THE Hippie Mum! :) Sulat din po kayo ng tula! :D

    ReplyDelete
  4. Tama ka dyan Arlet! :D Gusto ko namang hasain ang Tagalog ko. You knerrr... Hahaha. :D Salamat! :D

    ReplyDelete
  5. hahaha..akala ko.. si x na..:))

    ReplyDelete
  6. Hahaha! :)) Naku, para sayo ata itong poem. :) Haha. Salamat Cheenee! :D

    ReplyDelete

May gusto ka bang sabihin?