Friday, January 14, 2011

Extra Rice

Bakit laging kulang ang isa?
Kailangang may pangalawa?

Hindi ko mawari kung bakit
Hindi ako makuntento sa isa
Tila naghahanap kahit ibigay na
Ng una ang lahat sa kanya.

Marahil ganun talaga
Ang buhay lalo na
'Kapag gahaman ka.

Hindi makuntento sa isa,
Kailangan laging dalawa.
Gahaman ako
Inaamin ko.

Ikaw?

2 comments:

  1. ako hindi..:)

    kuntento na ko sa isa..
    pero hanggang ngayon di pa dumadating yung isa na yun..hahaha

    ReplyDelete
  2. Wahaha. :)) Tama, dapat makuntento sa isa. Darating in yun, Cheenee. :D May kasama pang ulam. Hahahah.

    ReplyDelete

May gusto ka bang sabihin?