Tuesday, January 11, 2011

Star City

Natagpuan ko na
Ang taong makakapagpasakay sa akin
Sa kahit ano pang rollercoaster
May namatay man o wala pa
Nabalita man o mito lamang.

Natagpuan ko na
Ang taong makakapagpapasok sa akin
Sa kahit ano pang tunnel
May manghawak man ng aking paa
Hawak ko naman ang kamay niya.

Natagpuan ko na
Ang taong makakapagpatagal sa akin
Sa kahit ano pang lugar
Manigas man sa lamig o magkasakit
Niyakap niya ako at hinawakang mahigpit.

Natagpuan ko na
Ang taong makakasama kong kumain
Ng halos lahat ng nakahain
Kahit maubos ang pera
Masarap naman siyang kapiling.

Natagpuan ko na
Ang taong nagpapaligaya sa akin
Na higit pa sa sayang kayang ibigay sa isang batang
Ngayon palang pupunta
ng Star City.

Natagpuan ko na siya.

2 comments:

May gusto ka bang sabihin?