Tuesday, December 14, 2010

Ang Pinakamagandang Lugar Sa Mundo

Mayroon akong sikretong
Mahirap itago dahil sa
Ganda at ligayang aking
Natamo sa lugar na ito.

Ngunit hindi pepwedeng
Ibulatlat ang lihim
Kung nais manatiling
Payapa ang damdamin.

Kakaibang saya, tila unang
Beses kong lumigaya nang
Ganoon; nang makita, nang
Makapiling, tila langit kasama ka.

Kay lamig ng hangin ngunit
Kamay mo ang nagbigay init
Ngiti mo ang nagbigay lakas
Upang lumakad, ipagpatuloy.

Hindi tatalikod, hindi magsisisi
Ika'y nakasama ngunit maikli
Sana'y maulit ang sikretong ito
At nawa'y di kailanganing itago.

Ang pinakamagandang lugar sa mundo,
Ay natagpuan ko na
Diyan sa tabi mo, diyan ang pinakamagandang
Lugar sa aking mundo.

4 comments:

  1. secret relationship :)cute. sulat ka pa ng maraming filipino.

    ReplyDelete
  2. Hahaha! :) I wrote about a secret, but not the relationship! :P Thanks for reading, Mark! Yes I will! :D

    ReplyDelete
  3. Wow. Galing. :)

    Gusto ko rin magsulat sa Tagalog. Kaso mas jologs ang dating pag gumagawa ako. :((

    ReplyDelete
  4. Haha! Ako nga rin trying hard eh, you should visit Mark See's site. Hehe. He's a Filipino Poetry genius. :) Thanks, Yesha!!!

    ReplyDelete

May gusto ka bang sabihin?