Tuesday, February 22, 2011

Para sa mga yuppies

Kung may isang bagay na
Kinatatakutan ng aking mga kasing
Edad na nagtatrabaho na malamang
Yun ay ang tunong ng alarm clock sa umaga
Na nagsusumigaw na gumising ka na
Umaga na, umaga na naman.

Halos lahat ng aking kakilala
Araw-araw nagbubunganga
Na gusto nang magpahinga
Ngunit ang malungkot na balita
Wala nang sembreak, ni holiday di kasama.

Matapos maghirap ipasa ang mga eksamen
Tapusin ang thesis mag-isa, mag-nobena
Na sana makapagtapos ng maaga
Eto pala ang mapapala.
Araw-araw pare-parehas
Ang sinasambit kundi
Gusto kong magpahinga, sana Biyernes na.

Ayoko na, gusto ko nang magbalik eskwela
Sana pala binagsak ko nalang muna
Ang ibang subjects, di sana
Ako ngayo'y petiks, pagala-gala
Hindi naguubos ng oras at enerhiya
Dito sa malamig at tahimik na opisina.

Ang aking ipinagtataka
Bakit ang ating mga ama at ina
Ni minsan hindi tayo nakarinig
Ng reklamo na ayaw na rin nila
Magtrabaho?

Sino ba namang hindi gaganahan
Kung para sa anak mo ang iyong pinaghihirapan
Kung para sa kakainin ninyo bukas ang pinagiisipan
Araw-araw, para sa tuition ang pinag-iipunan.

Marahil kaya ang dali para sa atin
Ang magreklamo'y dahil
Kulang tayo sa inspirasyon
Ngunit subukan mong magkaroon ng anak
Hindi ba't gusto mong maging maayos ang buhay niya
Marami kang pangarap para sa kanya

Sino ba namang hindi gaganahan
Kung kapalit ng bawat oras sa opisina
Ay ligaya sa mga mata ng iyong pamilya
Na minsan sa buhay mo'y
Pinapangarap mo lang.

Nakakatamad, nakakapagod
Pero ilang taon ka na ba sa trabaho mo?
At ilang taon ka na?
Ganun ka na katagal binubuhay ng magulang mo.
Wala kang karapatang magreklamo.

Hindi ba sila papasang inspirasyon?

3 comments:

  1. Nyahahaha! Nice one, Co-F! My parents are my inspiration, cause I don't want to burden them by asking for my daily needs and all that. I want to go back to school though, LAW SCHOOL that is. \m/ Keep on writing, Co-F!

    ReplyDelete
  2. Hahaha! :D Salamat Co-f! :) Ako rin, gustong mag-aral ulit. Hehe. Pero hindi Law. Hehe. Tama, magtrabaho tayo para sa ating mga magulang! Salamat sa pagbabasa, Co-f!

    ReplyDelete
  3. Hahaha! Tama ka diyan, kailangan ko din magpaka-scholar sa Law para less gastos sa mga magulang. :| Kaya natin ito. MABUHAY!

    ReplyDelete

May gusto ka bang sabihin?