Tuesday, May 20, 2014

Usapang Ex

Nakaka-"move on" ka ba talaga sa isang taong dati mong minahal?

Paano mo masasabi na hindi mo na siya mahal?
Dahil ba hindi mo na siya naaalala sa bawat paggising mo sa umaga?
Dahil ba hindi mo na hinihintay ang mga text niya tuwing kakain ka na?
Dahil ba hindi mo na siya nakikita sa mga panaginip mo?
Dahil ba hindi mo na nararamdaman ang kilig, di tulad noon?

Paano mo masasabi na wala na ang dating pagsinta?
Dahil ba may iba ka nang mahal ngayon?
Dahil ba may iba na siyang mahal ngayon?
Dahil ba hindi na kayo nag-uusap, o nagsasabihan ng "Mahal kita."
Dahil ba hindi mo na nararamdaman na kailangan mo siya, di tulad noon?

Paano mo masasabi na matagumpay ka sa paglimot sa kanya?
Dahil ba hindi mo na siya naiisip o inaalala kung nakauwi na ba siya?
Dahil ba wala ka nang pakialam kung sinong kasama niya?
Dahil ba binura mo na ang cellphone number niya?
Dahil ba may iba ka nang mahal ngayon?

Para sa akin, walang sinuman ang nakaka-move on ng legit.
Kahit papaano, may onting kurot tuwing naaalala mo ang nakaraan
Kahit papaano, may kaunting kilig pag naaalala mo ang mga pinagsamahan
Kahit papaano, may kakarampot pang pagsisisi o pag-asa 
Kahit papaano, may natitira pang pag-ibig para sa kanya sa puso mo.

Para sa akin, hindi mo siya kailanman makakalimutan
Maliban nalang kung magka-amnesia ka.
Dahil hindi mo gugustuhing makalimutan ang isang pagkakataon sa buhay mo
Na nagmahal ka lang ng lubos; na nagmahalan lang kayo.
Kahit ano pa mang naging dahilan ng paghihiwalay ninyo, kahit papaano, naging isa kayo.

Para sa akin, ang pag-mo-move on ay hindi madaling gawin
Kailangan mong mahanap sa puso mo na napatawad niyo na ang isa't isa
Kailangan mong matanggap na masaya na kayo, pero di niyo na kailangang maging kayo.

Para sa akin, ang pag-mo-move on ay hindi madali, pero hindi rin mahirap gawin
Kailangan niyo lang respetuhin na sa buhay na ito, 
Nagampanan mo na ang parte mo.

Wag mo na siyang gambalain, wag mo na siyang kaibiganin
Wag mo na siyang kausapin, wag mo na siyang kamustahin
Imbis na buklatin mong muli ang inyong nakaraan
Ilaan mo nalang ang oras mo sa iyong kasalukuyan.

Tandaan: Sa lahat ng iyong gagawin, pipili ka lamang ng isa sa dalawa. Nawa'y piliin mo ang karapat-dapat palagi.

2 comments:

  1. Nabasa ko po ito miss Judy Marie Naghahanap po talaga ako ng sagot sa ganyan kasi ung gf ko natago ung mga larawan ng bf nya naisip ko lang ano pang halaga nun di ba kami na naman. Nagselos lang ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy hello!

      Okay lang yan! Normal lang yun na ang mga babae (o kahit lalaki) ay may tinatawag na "territorial syndrome" kung saan ang mga ex ay tinuturing nilang pag-aari o parte nila. Natural lang na itago ang mga pictures, pero ang tanong dun, hanggang kailan? Dadalhin ba yun ng gf mo hanggang sa bahay nyo kung sakaling ikasal na kayo? Pag ganung level na, pwede mo na syang tanungin! Hehe. Good luck sayo! :)

      Delete

May gusto ka bang sabihin?